MEDICAL CENTER; "Prepare the O.R! Hurry!" sigaw ng isang Doctor. Nagmadali na ang kilos ng mga staff. Lumapit sa amin ang Doctor, "sino ang donor?" "Ako doc!" sabay tayo ko. "Tayo na Mister," tumayo na siya. "Lander prepare yourself baka kulangin ang dugo." tumango lang ang binata. Naramdaman niya ang pagpisil ni Lance sa kamay niya. Bago ito sumunod sa doctor. Sumandal na lang siya at ipinikit ang mga mata. Bakit ganito sila ka attached sa batang iyon. Possible ba talaga na isa sa kanila ang ama ng bata? Ngunit kahit paulit-ulit niyang isipin ay talagang hindi siya. Nagkaron nga siya ng gusyo sa ina ng bata ngunit hanggang doon lang. Hindi nga niya man lang ito nakausap kahit minsan. Ang kuya pa niya ang may chance na maging ama ng bata. Dahil kabi-kabila ang mga babae nito. Napadi