Nakaupo sa lap ni Lance ang bunsong anak na si Princess Laurice. At nakatanaw sa naka bukas na tv. Flash report- ayon sa balita pagkatapos nitong magsilang. Isang b'wan na ang lumipas nag suicide ito. Ang ikinamatay nito ay lulong sa droga. Naabutan itong nakahadusay sa banyo sa condominium nito. Nahigit ni Lance ang hininga niya ng makita ang mukha ni Joey. Dead on arrival daw ito pagdating sa hospital. Ganon pa man nalungkot din siya sa nangyari. Pero nakaramdam siya ng kapanatagan. Wala na ang pag alaala na baka isang araw sisipot nanaman si Joey. Ngayon na wala na ito ay magiging matiwasay na ang kanilang pamilya. One week from now 8th birthday ng triplets. Kaya naman masaya si Lance na paghandaan ang nalalapit na kaarawan ng mga anak niya. First time niyang makakasama ang mga ana