"Magpahinga na tayo, hindi ko na kaya," reklamo ko. Katatapos ko lang maligo at gusto ko ng matulog dahil magdamag yata kaming gumawa ng bata. Imposibleng hindi pa ako mabuntis nun. Ihi lang ang naging pahinga namin. Ngayon, gusto ko ng pahinga at madaming tulog. Bugbog na masyado ang katawan ko at maging ang aking panggitna ay mahapdi na at tiyak kong namamaga na naman. Tinawanan lang ako ni Darius. Alam kong maging siya ay napagod din ng husto, at umaasta lang siyang mas matibay siya kaysa sa aming dalawa. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama at nagtangkang lalapitan ako, pero agad akong humakbang upang iwasan at layuan siya. Malakas siyang tumawa. Hinila niya ang aking kamay saka ako niyakap ng mahigpit. "I love you..." bulong niya. "Magpahinga na lang tayo maghapon. Buk