Tinitigan ko si Nanay. May katanungan na naglalaro sa aking isipan nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Minahal ba niya ako ng buo? I wanted to doubt it, but if she did loved me back then, it wasn't as great as her love to her own children. I understand. I'm still lucky, dahil hindi siya gaya ng ibang madrasta na nananakit. At kung minahal man niya ako para makamtan ang pagmamahal ni Tatay. Hindi ko siya masisisi. "Kinasal kami..." Ngumiti siya ng abot sa kaniyang mga mata. "Maayos ang pagsasama namin... Hindi na niya ulit ako binigyan ng sakit ng ulo..." Tinitigan niya ang bote ng tubig sa kaniyang harapan saka bumuntong hininga. "May iniwan din pala noon ang nanay mo na pera. Medyo malaki din. Kaso naubos din agad dahil malakas kang maggatas." Mahina siyang tumawa. "Ang tab