After that talk, hinatid niya ako sa bahay. Inalalayan niya ako sa paglabas ng kaniyang sasakyan hanggang sa makapasok ako sa pintuan ng bahay.
All I thought, dadalhin niya ako sa aking kuwarto. Pero nang may lumapit na katulong, agad niya akong binigay dito at walang imik na umalis.
Umalis siya na hindi nagsasalita. Hindi man lang nagawang magpaalam.
Some ramdom thoughts bothered me while laying in bed. Did he changed his mind now?
Hindi na ba niya ako sisingilin? Hindi na ba tuloy ang usapan? Did he prefer his money back?
Kung ganoon, hintayin na lang niya na bumalik si Camila. Or maybe I could sell some of my jewelries.
Hindi ko alam kung bakit may panghihinayang na naman akong nararamdaman? Gosh! Nababaliw na ata ako.
Natapos ang isang araw sa shop na hindi siya nagparamdam. No text message, he didn't really show up.
There's this feeling inside me that I can't understand and I don't wanna entertain.
Kailan pa ako naging attached sa isang lalake? Siguro kulang lang ako sa inom.
Plano ko sanang mag-bar after work, since hindi din naman ako agad makakatulog. Mag-isa na lang ako sa bahay at wala akong kakuwentuhan.
Ang lungkot umuwing mag-isa. Maybe I should get myself a boyfriend.
Habang nag-aayos ako, nakatanggap ako ng tawag galing sa kaibigan ni Douglas.
He's asking me out on a date. He was so polite. Just like Douglas, he's so good looking and kind.
Nag-dinner kami at pagkatapos noon, inaya niya ako na maglakad-lakad somewhere in Pasay.
I really enjoyed his company. Walang patay na oras sa kaniya. Lagi kaming may topic. Nang gumabi na ng husto, hinatid niya ako pauwi.
Not bad for a first date.
Kahit paano nakalimutan ko si Darius.
The next day, bigla na lang sumulpot si Darius. He's not in the mood because he happened to hear Amanda and I girl talks.
I didn't talk nor look at him. Nanatili naman ang seryoso niyang mukha.
Trying to intimidate me? Hindi ito gagana sa akin.
Bumuntong hininga siya bago nagsalita.
"Hindi ka talaga marunong tumupad sa usapan," aniya.
"Ano na naman?" masungit kong tanong.
Nilapag niya sa mesa ang ilang mga pictures. It was my pictures, taken while I was on a date. Mula sa restaurant hanggang sa ihatid ako pauwi.
Pinasundan niya ako?
Pinili kong manahimik. Hindi ko ide-deny lalo't hindi ako magpapaliwanag. Totoo naman na nakipag-date ako.
Mukha pa din siyang galit. At walang kurap niya akong pinagmamasdan ngayon. Naputol lang ito nang mag-ring ang kaniyang phone.
Tumayo siya at wala na namang imik na umalis sa harap ko, palabas ng shop. Iniwan na naman niya ako. Hindi man lang nagpaalam ang gago!
Ang inis ko ay dala ko hanggang sa pag-uwi. I am not in the mood.
I ignored Douglas friend's message. Nagpunta ako ng bar mag-isa.
Habang nasa bar ako, panay ang tingin ko sa paligid. Baka nandito na naman si Darius at may bigla na namang susulpot na bouncer at bodyguard.
Ilang baso na ng alak ang nainom ko nang magpasya ako na magsayaw na muna.
Saktong pagpihit ko, agad natuon ang aking mga mata sa isang lalake na nasa gilid ng dance floor.
Ang hot talaga niya.
Inayos ko ang suot kong damit saka lumapit sa kaniya. Nang mapansin niya ako nginisihan niya ako.
"Hi," bati ko sa kaniya.
Seeing his smirk, I knew that he remember me.
Hindi man lang siya nagsalita. Pero mas maayos naman ngayon kaysa dati na talagang in-ignore niya ako.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya pagkatapos ng ilang minuto.
"Oh, you can talk?" kunwaring gulat kong tanong. He bore his eyes on me and this makes him look so freaking hot.
Kiniling niya ang kaniyang ulo. Pagkatapos ay luminga-linga siya sa paligid.
"Babalik na ako sa couch namin!" Napatingin ako sa may-ari ng masungit na boses. Masungit naman na tumingin ang babae sa akin. She look so young. Hindi naman siguro siya menor de edad.
Bata pala ang bet ng lalake na ito. Iyong halos kakasibol lang ang s**o.
"Diyan ka na lang, magpakasaya ka!" tila nagmamaktol na sabi ng babae, pero hindi man lang umimik itong lalake na nasa tabi ko.
Sa nakikita ko ngayon, mukhang wala naman silang relasyon. Bodyguard ata siya nitong magandang batang babae na ito.
Nagmartsa paalis ang babae nang hindi siya nito sinagot.
Kawawa naman. Mukhang may gusto siya dito, kaso itong isang ito, mukhang wala man lang pakialam.
"Hindi mo ba siya susundan?" taas kilay kong tanong sa kaniya.
Sinundan lang niya ito ng tingin. Nang makaupo na ang babae kasama ang kaibigan niya doon sa couch, binalik niya ang tingin niya sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Gusto sana kitang ayain na mag-inom kaso mukhang nasa trabaho ka," nakangiti kong sambit.
Nagtaas lang siya ng balikat. Nakakainis naman 'tong kausap. Kung ako iyong babae, mate-turn off ako dito. Oo guwapo siya, pero aanhin mo naman ang lalakeng sobrang isnabero. Tuod.
Napailing-iling na lang ako. "You should chill sometimes. Oo, hot ka kapag seryoso ka, pero uso din ngumiti, no. Mas lalo ka pang gaguwapo."
Sa sobrang bored ko, pinagtiyagaan ko siyang kausapin kahit na nagsasayang lang ako ng oras sa kaniya.
Napatingin ako sa buong paligid, hanggang sa matuon ang tingin ko sa isang couch. Si Darius at may kasama siyang ilang mga lalake. Nakatingin siya sa akin ng mariin.
Kanina pa siya nandito? At bakit kaya hindi man lang siya lumalapit? Wala ding mga bodyguard na lumalapit sa akin.
Hindi ko siya maintindihan tuloy. At lalong hindi ko na din maintindihan ang aking sarili dahil pinagtutuunan ko siya ng pansin.
"Umuwi ka na. May bodyguard ka bang kasama?" tanong bigla nang kasama ko.
"Hindi ka dapat lumalabas ng mag-isa, lalo na at may kaaway kayo." Si Krisha siguro ang tinutukoy niya.
"Haba ng sinabi mo," nakangisi kong sambit sa kaniya.
Kinuha ko ang calling card ko sa aking purse at saka inabot sa kaniya.
"Kapag wala kang trabaho, puwede tayong magkita."
Tamad lang siyang nakatingin sa papel na hawak ko.
"Come on. Hindi puwedeng ganiyan ka ka-snob sa babae." Napangiti ako nang abutin niya ito.
"Good."
"May calling card ka ba?"
"What for?" tamad at masungit niyang tanong.
"Baka kailangan ko ang serbisyo mo one of these days," alibi ko na alam kong hindi niya paniniwalaan. But it did work!
Dinukot niya ang kaniyang wallet. Napangiti ako nang ilagay niya ang calling card ko doon.
Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko sa labi nang bumunot siya ng calling card niya doon.
"Kailan ang day off mo? Meron ka bang off? Saka—
Natigil ako sa pagsasalita nang may braso na pumulupot sa aking bewang. Awtomatikong hinampas ko ang may-ari ng braso, saka matalim na tumingin dito nang hindi siya matinag.
Si Darius!
Seryoso siyang nakipagtitigan kay... Tinignan ko ang calling card na inabot niya kanina. Garrett. Bagay sa kaniya ang pangalan niya. Hot!
Kung magtinginan sila para bang kilala nila ang isa't isa.
Pilit kong binabaklas ang braso ni Darius, pero para itong sawa na sobrang higpit ng pagkapulupot.
"Let's go," aya ni Darius. Ano'ng let's go?
"Oh... I forgot to give it back to you," sambit ni Garrett. May hinugot siya ulit mula sa kaniyang wallet. Inabot niya ang isang bagay sa kamay ko na, kinapula ni Darius sa matinding galit.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang binigay niya. Tang... ina!
Mas humigpit ang pagkakahawak ni Darius sa aking bewang, dahilan para mapangiwi ako at mapatingin sa kaniya.
Halos umusok ang kaniyang ilong sa matinding galit na nakikita ko sa kaniyang mukha ngayon.
Napatingin ako kay Garrett. Kung kanina tipid na tipid ang ngiti at mga ngisi nito sa labi, ngayon naman ang laki ng ngisi niya sa labi habang nakatingin sa galit na galit na si Darius.
"Bye, Lilienne..." paalam ni Garrett. Kumindat pa siya sa akin bago siya tumalikod.
Napangisi tuloy ako sa ginawa niya kahit pa galit na galit na ang kasama ko.
"You are doomed..." mariing bulong ni Darius sa aking tenga bago niya ako hinila palabas ng club.
Nagpatianod na lang ako dahil wala naman akong lakas para makipagbuno sa kaniya.
Binuksan niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan. Kusa naman akong pumasok doon. Chill lang ako. Inayos ko ang aking seatbelt.
Nang makasakay siya matalas siyang tumingin sa akin. Maang-maangan naman akong sinalubong ang mga titig niya kahit na nakakatakot itong tumingin.
"What the hell was that?!" tanong niya. Kinuha niya sa aking kamay ang bagay na inabot kanina sa akin ni Garrett.
"Damn it! Fvck! s**t!" sunod-sunod niyang mura habang pinagmamasdan ang dalawang kulay pink na silicone sa kaniyang palad.
Hindi ko naman mapigilang matawa nang malakas kaya mas lalo pa siyang nagalit.
"What the hell is this?! Did you just... Did you..." Hindi niya matuloy-tuloy ang kaniyang gustong sabihin dahil sa matinding galit.
"Ano?" nang-iinis namang tanong ko.
"Damn it, Lilienne! This is yours, right?"
"Uh-huh?" maarte kong sagot saka tumango-tango.
"Care to explain to me why the hell he got your goddamn n****e tape!"
Oh, alam niya ang tawag dito. Napanguso ako. Ilang n****e at n****e tape na kaya ang nakita niya.
"Oh, mahabang kuwento..." tamad kong sagot. Bahala ka diyan. Naiinis ako sa'yo!
"Isa, Lilienne!" pagbabanta niya.
"Napakapraning mo naman... Nalaglag ko iyang isa doon sa warehouse kung saan dinala sina Rehan at Camila nang makidnap sila." I started explaining.
"At ang isa?" tanong niya. Kumalma na siya ngayon pero ewan ko lang mamaya ulit.
Nag-iwas ako ng tingin. "Itong isa?" ulit niya na tila ba anumang oras mapipigtas na ang kaniyang kakaunting pasensya, at sasabog na sa galit.
"Binigay ko sa kaniya..." Kahit galit siya hindi ko magawang matakot. Sa totoo lang natatawa talaga ako sa kagagahan ko noon.
Bakit ko nga ba binigay ang isa kong n****e tape? Nakakahiya talaga ako minsan.
"Damn it! Why did you that? What for?" Masama siyang tumingin sa akin.
"What five?" pang-iinis ko naman sa kaniya.
"Atleast hindi gaya ng iniisip mo ang nangyari. Next time na magkikita kami, siya na mismo ang magtatanggal ng mga n****e tape ko..."
"Damn you! You can never do that.. You can't do that!"
Tumawa ako nang malakas pero natigil ako nang bigla niyang paharurutin ang kaniyang sasakyan.
Nalulula ako sa sobrang bilis. Tumili ako pero ang loko-loko tumawa lang.
"Nalulula ako!" sigaw ko habang nakapikit.
Pumikit ako at hindi ko malaman kung saan ako kakapit. Parang babaliktad ang sikmura ko. Parang lalabas ang mga laman loob ko dahil sa bilis ng patakbo niya.
Ang walang hiya!
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakapikit at nagdadasal sa kaligtasan at sa buhay ko. Halos himatayin ako sa takot.
Mabuti at hininto din niya ang sasakyan. Nagbukas ako ng mga mata at matalas siyang tinignan. Tuwang-tuwa itong nakatingin sa akin.
"Bwisit ka!" Hinampas ko siya sa braso niya.
"Sumama ka sa akin kapag nag-drag race ako," pang-aasar pa niya.
"No thanks. Ayaw ko pang mamatay. Madami pa akong plano sa buhay... Nasaan tayo?"
"My house," tugon niya bago binaklas ang kaniyang seatbelt, at lumabas ng sasakyan. Lumabas na din ako ng sasakyan niya.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" wala sa sarili kong tanong habang pinagmamasdan ng maigi ang buong paligid.
"Ano pa ba?"
Nakanguso akong tumingin sa kaniya.
"Ihanda mo na ang sarili mo." Banta ba iyon?
Hinawakan niya ang aking kamay, habang sabay kaming naglakad palapit sa pinto ng kaniyang bahay.
May sumalubong sa amin na dalawang maid.
"Magdala kayo ng pagkain sa kuwarto ko. Pagkatapos, puwede na kayong magpahinga," bilin ni Darius sa kanila.
Muli siyang naglakad ng hindi binibitawan ang aking kamay na hawak niya.
"Gabi na, paglulutuin mo pa sila. Gutom ka ba?"
"Kakailanganin mo ng madaming pagkain, dahil tiyak na mapapagod ka sa gagawin natin."
Kinabahan ako sa kaniyang sinabi pero may parte naman sa aking sarili na tila na-excite. Lalo na sa parte ng katawan ko na nasa bandang gitna ng aking katawan.
Pagkatapos ng ilang taon, mukhang madidiligan na din ako. Nakagat ko ang aking labi.
"Oh, someone is excited." Tumawa si Darius. Nag-iwas naman ako ng tingin habang pigil ang sarili na mapangisi.
Dinala niya ako sa kaniyang kuwarto. Lalakeng-lalake ang itsura ng kaniyang kuwarto. Malawak at malinis.
Nagdire-diretso siya ng lakad hanggang sa kaniyang bookshelf. May hinugot siyang libro doon.
"Ano'ng gagawin mo? Babasahan mo ako ng bedtime stories?"
Mahina siyang natawa. Pinasok niya ang kaniyang kamay sa siwang kung saan niya kinuha ang libro.
Napasinghap ako nang gumalaw ang shelf. Nahati ito sa gitna. Isa itong pinto! At sa likod niya ay isa pang pinto!
Bumilis ang t***k ng puso ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba.
Ano'ng meron sa likod ng pintuan? Baka mamaya hindi na ako makalabas dito.
"D-Darius..."