HANGGANG sa makalabas ang sekretarya ni Darius ay hindi na maalis-alis ang pagkakakunot ng aking noo. "Agent ba talaga iyon?" tanong ko kay Darius. Tutok na tutok siya sa mga papeles na hawak niya. Pagkatapos niya itong basahin at pirmahan, kumuha siya ng panibagong folder. Binuklat niya ito. Hindi man lang ako tinignan. Parang wala itong narinig. Mariin ko siyang tinitigan. Nang mapansin niya ang pagkakatitig ko sa kaniya saka pa lang siya sumagot. "Yeah..." sagot niya. "Bakit tinawag siyang attorney?" nagtataka kong tanong. "He's studying law?" tila hindi siguradong sagot niya. "Working student?" tanong ko ulit. "Tapusin ko lang ito, tapos aalis na tayo. Maupo ka na muna diyan." Hindi na ulit ako nagtanong pa. KUMAIN kami sa labas pagkagaling namin sa kanilang kompanya. H