Muli akong ngumiti nang itapat niya sa aming mga mukha ang camera. Nasa dalampasigan kami ngayon upang panoorin ang pagsikat ng araw. "Let's take some more pictures..." Nangawit na ang labi ko kakangiti kaya ngumuso naman ako. "Hindi ko akalain na mahilig ka palang mag-selfie," komento ko. "Not really... Gusto ko lang punuin ng pictures natin ang social media account ko," nakangiti niyang sagot habang tinitignan isa-isa ang mga kuha namin. "We look cute in here." Pinakita niya ang isa sa mga kuha namin. Ang ganda nga ng pagkakakuha. "Hmm... I'll ask some of our staff to print it." "Saan mo naman ilalagay?" tanong ko. "Sa bahay, sa kuwarto ko sa mansyon. Dito sa resthouse." Totoo pa ba 'to? Bakit super green flag naman ata ng binigay ni Lord na boyfriend sa akin? Kagabi pa