ANG lahat ay masaya. Maingay. Nakatawa. May malalaking ngiti sa mga labi. Maliban sa akin na hanggang ngayon nanlalambot pa din dahil sa kaba. Ayaw ko ang atensyon na nakukuha namin ngayon. Nahati ang atensyon ng lahat ng mga bisita dahil sa amin ni Darius. Ang iba na kamag-anak nila, lumapit pa talaga sa amin para i-congratulate si Darius. Tuwang-tuwa naman 'tong lalakeng kasama ko. Halos mapunit na ang labi sa kakangiti. Thank you, iyan ang sagot niya sa tuwing may bumabati sa kaniya ng congrats. Congrats saan? Talagang sinasakyan niya ang mga ito. Hindi man lang niya tinatama ang akala ng lahat. Wala kaming relasyon. Bakit kailangan niyang sakyan ang sinasabi nila? Bakit kailangan naming magpanggap na may relasyon kami? Hindi ko magawang ngumiti nang maayos. Naiinis ako sa