WEDDING

816 Words
Hindi ako makatulog. Nakainom ako pero nakakapagtaka na hindi ako ngayon dalawin ng antok. Binuksan ko ang lampshade sa gilid ng aking kama saka tumihaya. What did just happened? tanong ko sa aking sarili. Parang nakikita ko pa din ang imahe ng lalake kanina. Ang guwapo at seryoso niyang mukha. Parang ramdam ko pa din ang matitipuno niyang katawan. Ang matigas niyang dibdib. Ang hot niya talaga! Naalala ko din ang ginawa niya sa akin kanina. Napakagat labi ako nang maalala ko kung paano mag-respond ang aking katawan sa simpleng pagkakadikit lang ng aming katawan. Hinaplos ko ang aking panga hanggang sa aking leeg. Iyon lang naman ang ginawa niya pero halos umungol na ako kanina. Nag-init ang aking katawan. Nabuhay ang aking pagnanasa. Namasa din ang aking p********e —at hindi ito maganda. Tumagilid ako. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili at pilit na winawaksi sa aking isipan ang lalakeng iyon para humupa ang aking nararamdaman. But it didn't work! Muli akong tumihaya. Napapikit ako at halos mapaliyad ako nang makarating ang aking palad sa aking isang dibdib. Shit! Nagpunta ako sa club para sa hook ups kanina but now looks like I'll be doing something to myself just to ease the heat. Huminga ako nang malalim. I tried to calm myself. Bumangon ako at kumuha ng bottled water sa personal refrigerator na narito sa aking kuwarto. Inubos ko iyon bago bumalik sa paghiga. That didn't work! Ramdam ko pa din ang rumaragasang init sa aking katawan lalo na sa aking panggitna. Kung bakit kasi pinatakam ako ng lalakeng iyon. Pinaglaway lang niya ako. Pumikit ako at pinasok ang aking kamay sa loob ng aking suot na damit hanggang sa aking isang dibdib. Marahan kong minasahe ang aking dibdib bago ko pinisil ang aking n****e. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa iba't ibang parte ng aking katawan sa ginawa kong iyon. Inulit ko iyon ng ilang beses bago ko pinasok ang isang kamay ko sa loob ng aking panty. Hinawakan ko ang aking clit saka marahan itong minasahe. Pumikit ako at pilit na inaalala ang nakaraan kung saan binigay ko ang aking p********e sa isang lalake kapalit ng malaking halaga. Malaking halaga kapalit ng aking puri. Pero nag-enjoy naman ako nang gabing iyon, di ba? Laman siya ng aking pantasya sa mga lumipas na panahon. Napaungol ako nang maalala ko iyong ginawa ni Nanay. Nawalan na tuloy ako ng gana sa aking ginagawa nang maalala ko ang lahat ng nangyari, pati na din sama ng loob ko para kay nanay. Kaya ko ginawa iyon para makalaya si Tatay. Para din hindi na ako pilitin ni Nanay na sumiping doon sa may-ari ng palengke kapalit ng malaking halaga ng pera. Mabuti na lang at nakita ko si Liway nang gabing iyon. Kung hindi, hindi ko sana ma-m-meet iyong lalakeng iyon. Kahit paano naging maayos naman ang lahat. Maayos na din ang buhay ngayon ng aking pamilya. Kahit masama ang loob ko, dahil aa trato ni Nanay sa akin, buwan-buwan pa din akong nagpapadala ng pera sa kanila para hindi ako masumbatan. Ang lagi lang niyang sinasabi, responsibilidad ko daw sila at huwag daw akong mag-aasawa muna. Pag-aralin ko daw muna ang mga kapatid ko. Pagtatapusin ko naman talaga sila sa kanilang pag-aaral. Kahit mag-asawa ako hindi ko pa din sila pababayaan. Pinulot ko ang aking celphone nang may mag-text. Galing ito kay Kevin. Mamaya na daw ang kasal nila ni Camila. Agad-agad?! Parang kanina lang siya nag-propose, a? Sana all na lang kay Camila. Nakatuluyan niya ang lalake na kumuha sa kaniya para maging baby maker. Napakagat labi ako nang maisip ko din ang lalake na unang karanasan ko. Nagkita kami ulit at magkikita pa ulit. Hindi kaya siya na din ang destiny ko? Napangisi ako. Paano nga kaya kung siya na ang nakatakda para sa akin? Thank you na agad, Lord. **** "Hindi ka ba dadalo?" tanong ko kay Amanda. Nasa harap siya ng kaniyang laptop at gumagawa ng report. Dumaan muna ako dito sa shop para kunin ang pera na idedeposito ko sa bangko. "Tingnan ko," iyon ang sagot niya. Hindi ko na lang din siya pinilit pa. Naiintindihan ko kung bakit. Tiyak na mauunawaan din ito ng kaniyang kapatid kung hindi siya dadalo. Kapatid ni Kevin ang ama ng anak niya. Ang lalake na first love ni Camila. Ang lalake na kinabaliwan niya dati. "Hintayin kita doon," sabi ko sa kaniya bago ako umalis ng shop. Tipid lang siyang ngumiti. PAGKATAPOS ko sa bangko, nagpunta na ako sa mansyon ng mga Antonio. Habang nasa biyahe ako, nagsimula nang kumalabog ang aking dibdib. Hindi naman ako ang ikakasal pero bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon? At napagtanto ko kung bakit nang makita ko ang lalake na nasa unahan, katabi ito ni Don Antonio. Nandito din siya! Bakit siya nandito? Kamag-anak ba siya nina Kevin? Pinsan? Tiyuhin o ano? Shit na malagkit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD