Chapter Sixty-three "Huwag ka nang mag-alala, Gemma. Walang sinabi si Kadynce tungkol sa pagdududa niya sa ating dalawa. Susubukan kong ayusin ang marriage namin para hindi na rin mas lumaki ang gulo. Relax ka na, love." Akala yata ni Evan ay tulog na ako. Nasa balcony ito at kausap sa phone ang babae. Love? Pero kanina grabe kung umiyak para lang pakinggan ako, para lang ayusin ang marriage namin. Isa talagang malaking joke itong isang ito. Matapos lang talaga si Nicholai sa plano niya ay iiwan ko na rin itong si Evan... nang wasak at walang mukhang ihaharap sa mga tao. "Ikaw o si Kady? Please! Huwag mo naman na akong papiliin, Gemma." Pakiusap nito. "Mahal ko kayong dalawa." Wow! Just wow! Ibang klase talaga ang asawa ko. "Mahal ko kayo pero mas mahalaga ka. Alam mo naman iyan." Mas