Chapter Eighty-six "Babalik ka hindi dahil sa banta ni Gemma. Babalik ka dahil hindi mo siya kayang tiisin. Tahimik na ang buhay ninyong mag-asawa rito. Dito na lang kayo." Pangungumbinsi ng kaibigan ni Evan. Nasa balcony lang sila. Nag-iinom. "Masisisi mo ba ako? Lalaking-lalaki ako kapag kasama ko si Gemma. Sa kanya ko nagagawa ang mga pantasya ko sa asawa ko. Tangina kasing t**i ito." Tinawanan ito ng kanyang kaibigan. "Ikaw ang bahala. Bumalik na kayo kung iyon ang mas ikabubuti ninyo." "Iyan ang desisyon ko pagkatapos naming nag-usap ni Gemma. Tangina, pare! Kausap ko lang kanina ay kung ano-ano nang kalibugan ang pumasok sa utak ko." Nagtawanan sila. "Akala ko pa naman ay si Kady na ang pinili mo." "Mahal ko si Kady pero parte na rin talaga ng buhay ko si Gemma. Hindi ko matiis