Chapter Fifty-one "Itinawag ko na sa tauhan ko sa kabilang Isla. Bukas daw ng umaga ay pupunta siya kina Evan para ibalita ang nangyari sa tatay niya." Ginagap ni Governor Rosales ang kamay ko. Narito kami sa office ng director. Dito lang kami pwedeng magkita sa loob ng ospital na ito. "Kapag nagtanong si Evan kung paano makapunta ang tao roon para ipamalita. Sabihin mo lang na sa desperate attempt mo ay kinontak mo ako para makarating kay Evan ang tawag." Tumango naman ako rito. Inatake ang ama ni Evan at inoobserbahan pa ito. Kumuha na ako ng private room para maayos ang silid na pag-e-stay-an nito. Nagpaalam lang ako sa kanila na lalabas saglit para magpahangin. "Thank you, Nicholai." Pilit akong ngumiti rito. "I'm doing this for you... not for them. Hindi ikaw ang dapat maproblema