Chapter Seventy-four "I love you, Governor Rosales." Sagot ko na lang kaysa ito ang mag-overthink kung galit ba ako. Hindi naman ako magdududa. No'ng sinabi niya sa akin na mahal niya ako, buong tiwala ko ay ibinigay ko na rito. Napabuntonghininga ito. "Kinabahan ako, Kady." "Nandyan pa siya?" "Wala. Ipinatawag ng daddy niya." "Gov, parang alam ko na kung saan nila itinago." Natahimik ang lalaki sa kabilang linya. "Saan, Kadynce?" "Sa likod bahay. Biglang nagkaroon nang pagbabago sa lupa roon. Nagkaroon din ng punong mangga na ang taas ay bandang bewang ko na." "Kaya mo bang nandyan ka habang---" "Kaya ko, governor." Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot itong lakas ng loob ko ngayon. Pero hindi kasi pwedeng masira ang mga plano namin nito. Makakaganti ako kay Gemma at E