Chapter Forty-nine "Binalak mong ipakulong ang kapatid ko, Kadynce? Sasakyan lang iyon. Napapalitan. Pero iyong trauma sa mga kapatid ko, sa magulang ko, hindi iyon agad maaalis sa kanila." Pagkatapos kong ikwento sa asawa ko ang lahat ng mga nangyari ay ito ang narinig ko rito. "Evan, ano bang tingin mo sa mga kapatid mo? Baby? Tangina naman, Evan. Sinugod ako sa bahay... ng mga kapatid mo. Tapos iyong trauma nila ang iniisip mo ngayon? How about me? Asawa mo ako, Evan. Pero bakit hindi mo naisip kung okay lang ba ako sa mga ginawa nilang pagwawala sa bahay natin? Iyan ang hirap sa 'yo. Masyado mong bini-baby ang mga kapatid mo to the point na kahit mali na sila ay tingin mo pa rin sa kanila baby na okay lang magkamali." Inis na ako rito. Kasalanan din talaga nitong Evan na ito kung bak