Chapter Twenty-four Tapos na ang dinner. May mga pumasok na sa kanilang mga kubo. Si Kygan ay busy na sa pag-check ng tent niya. "Governor, doon ka matulog sa tent." Si governor na busy sa paglalagay ng kahoy sa campfire namin. Kaya nang lumingon siya sa akin ay parang hindi agad nito na proseso ang sinabi ko. "What?" ani nito sa akin. "Ang sabi ko'y tabi kayo ni Kygan sa tent. Doon ako sa kubo. Ako lang." Tugon ko rito. Saka ko niyakap ang tuhod ko dahil nakaramdam ako nang lamig. Malamig talaga. May suot na akong jacket at nakapa-sweatpants pa pero ramdam ko talaga ang lamig dito. Parang lamig lang sa Baguio. "Okay, Kady." Tugon nito. "Basta magsara ka lang ng pinto at takpan mo ang bintana. Kung may marinig ka mang kaluskos ay huwag kang matakot. Mas lalong huwag kang lalabas."