Chapter Thirteen Hindi deserve ng taong nagmamahal na mag-overthink, mapagbuhatan ng kamay, at gawing tanga ng mga taong mahal nila. Ako... nagmahal lang naman ako pero lahat na ng iyon ay naranasan ko sa piling ni Evan. Wala raw siyang ibang babae... pero lahat ng mga actions niya ay obvious na nagsasabing mayroon ng iba. Nag-ayos ako ng gabing iyon. Nagpaganda. Iyong Kadynce na nakilala ni Evan noon na palaayos, binuhay ko ang babaeng iyon ngayong gabi. Simula kasi nang nag-asawa ako ay mas naging simple ako. Pero hindi ngayong gabi... to the point na parang nagulat pa si Evan nang lumabas ako ng kwarto at nakita akong nakaayos. "Misis, sobrang ganda mo." Nangingiti ito. "Napakaswerte ko talaga na ikaw ang napangasawa ko." At ako naman ay minalas dahil ito ang napangasawa ko. Kahit