55 - SPECIAL CHAPTER 1

1738 Words

"Feeling ko magiging sabungero ang anak ko." Tulalang nakatitig ako kay Abo habang pinanonood ito na yakap-yakap ang regalo ng Uncle Cayde nito na manok. Hindi naman iyon panabong. Native chicken iyon na gustong-gusto ng anak ko. Nagtawanan ang mga kaibigan kong kasama ko ngayong pinanonood si Abo sa paglalaro. Apat na taon na ito at ang paboritong alaga ay manok. Iyong unang dalawang manok n'ya ay namatay. Hindi ko na idedetalye pa kung ano ang nangyari, basta nakita ko na lang na kagat-kagat nito ang leeg, iyong isa naman ay bali ang leeg. "Simulan mo na kayang mag-business ng manukan." Kantiyaw ni Abe sa akin na ikinasimangot ko. Ang dami ko ng trabaho, dadagdagan ko pa ba naman? Saka tiyak na kapag ginawa ko iyon malilintikan ako sa asawa ko. Sinulyapan ko si Batsy na nasa duyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD