HINDI KAMI pinapasok sa loob, manganganak na si Batsy. Ang tanging kasama ko lang ngayon ay ang Mommy ko, Mommy ni Batsy at ako. Tatlo lang kami na naghihintay sa paglabas ng pangalawang anak namin ng asawa ko. Papunta pa lang ang mga supportive kong kaibigan na ng malaman sa gc na narito na kami sa hospital ay nagsipag-cancel ng mga lakad nila. Si Abo ay nasa mga Lolo n'ya. Sila ang naiwan kanina sa bahay. Kinakabahan ako, pero sapat nang makita si Mommy at ang ina ni Batsy na magkahawak ngayon ng kamay at taimtim na nananalangin para sa safe delivery ng baby namin. Hindi pa sila nakakapag-usap, pero mukhang isinantabi muna nila ang issues nila para damayan kami ng asawa ko. Nang dumating ang mga kaibigan ko'y nagkanya-kanya upo ang mga ito sa sahig. Si Cayde na nasa hacienda ng a

