Zierra's P O V "Oo thea, ang bawat ungol mo, ang bawat sigaw mo'y saksi ako. " tugon niya. Kaya pala, kaya pala noong huli kaming nagtungo ni kiel sa tree house ay may napansin siyang parang may sumusunod sa'min. Ang akala ko'y hayop lang iyon na gumagala sa gubat pero mali ako. "At? Higit sa lahat, total dito rin naman magtatapos ang buhay ninyo ni kiel, sasabihin ko na. " wika ni stef tsaka ito tumalikod sa'kin at kinuha ang mapa sa bag nito. "Alam mo bang ako ang dagdala sa inyo dito? Walang kwenta ang mapang ito, gawa gawa ko lang ito at ang totoo ay matagal ko ng alam ang bahay na ito at matagal ko na ring pinagiisipan kung paano ko madadala ang mga taong gusto kong mawala na sa aking landas, at sa awa ng diyos, nagawa ko. Ang galing ko diba?" ngiting wika niya. Hindi ko lubos mais