Zierra's P O V Isang gabing pananatili sa bahay na ito, wala naman akong nakikitang masama o ni kahit anong maligno sa bahay na ito. Pwera nalang kay kiel. Siguro this day sisimulan na namin ang pagpa-plano sa proyekto. Inikot-ikot ko muna ang buo kong paningin sa bawat sulok ng silid na ito. Ni isang sunlight o moonlight man lang walang sasagi? Tsk. Tinignan ko nalang ang phone ni kiel na ngayo'y nakpatong sa aking dibdib. Ewan ko ba kung bakit pero hindi ako nagsasawang tignan ang gallery niya. Alas sais na pala ng umaga? Akala ko alas kwarto pa ng madaling araw. Masyado kasing loblob ang lugar na ito kaya't minsan lang na masisikatan ng araw. Dahan dahan ko nalang na inunat ang mga kamay ko tsaka tinignan ang buo kong ka-pangkat. "Tulog mantika" bulong ko sa sarili ko. Nasanay n