Zierra's P O V "Bro!" sigaw pa ni kiel. Malayo layo narin ang nabaybay namin dito sa gubat pero hindi parin namin sila nakikita. Nasaan naba kasi ang mga iyon? "Stef?" sigaw ko. Kahit anong sigaw namin sa gitna ng gubat ay hindi parin namin sila matagpuan. Bigla kaming napahinto sa paglalakad nang harangin kami ni kiel. "Shhhh. Narinig niyo ba?" mahinang wika ni kiel. Napakunot noo nalang ako nang sabihin niya iyon na animo'y may pinapakinggan. "Narinig? Wala naman ah?" wika pa ni mark. "Follow me." tugon niya tsaka ito lumakad pabalik sa bahay ngunit sa puntong ito, sa ibang daanan na kami dumaan na parang may sinusundan si kiel. "Bakit tayo bumabalik sa bahay? Hindi pa naman natin sila nakikita ah?" tugon ko. Pilit ko siyang pinigilan ngunit napahigpit ang pagkakahawak niya sa k