LAST CHAPTER Kabanata 51 Together Agad kong minulat ang aking mga mata. Nakita kong nandito na kami kaya lumingon ako kay Braxton na kanina pa pala niya ako hinihintay. "Sorry, hinintay mo pa ata ako." Nahihiya kong sabi. "No, it's fine." Sambit nito at lumingon naman ako kay Blaine na tulog pa rin. "Ako nalang ang bahala kay Blaine. Lumabas kana." Sabi nito kaya sumunod ako sa sinabi niya. Paglabas ko ay bumalik sa akin ang mga ala-alang nangyari sa akin. Simula ng tumapak ako dito hanggang sa tuluyan na akong lumayo sa mga mahal ko sa buhay. "Let's go." Napalingon ako kay Braxton at karga na nito si Blaine. Dumako ang tingin ko sa bukana ng bahay at nakita ko si manang na nag-aabang. Agad akong napatakbo papunta sa kanya. "Manang!" Sambit ko at niyakap ko siya ng mahigpit. "Az