Kabanata 4

1396 Words
Kabanata 4 Sorry Napapunas ako sa aking noo dahil sa pawis, sobrang init ngayon at buti nalang nababawasan yong init na aking nararamdaman dahil sa hangin na tumatama sa aking mukha. Nandito ako ngayon sa isang tricycle at pupunta ako ngayon sa kompanya ni Sir para ihatid itong mga dokumentong naiwan niya sa mansyon. Hindi alam ni Sir na ako ang magdadala nito dahil ibinilin ito kay ate Jenette pero dahil may mahalaga silang gagawin ni manang ay ako nalang ang inutusan nito. Okay lang naman sa akin dahil wala namang akong masyadong ginagawa sa mansyon pero hindi lang talaga ako sanay na lumabas sa ganitong oras. "Iha, nandito na tayo." Napatingin ako kay manong at nilabas ko na ang barya para ibayad sa kanya. Nang huminto ito ay agad na rin akong lumabas at inabot ang bayad ko. "Salamat Manong!" Nakangiti kong sabi. "Salamat rin Iha," tugon nito at agad rin namang umalis. Nang umalis ito ay napaisip ako kung paano kaya nila natitiis yong init para lang makapasada, nakakatuwa lang dahil sobrang sipag nila sa trabaho. Tumingin ako sa aking harapan ng makita ng buo ang kompanya. Sobrang laki nito at hindi pamilyar ang kompanyang nito sa akin dahil sa hindi talaga ako masyadong lumalabas ng bahay. Papasok na sana ako ng may marinig akong nagsisigawan kaya napunta doon ang atensyon ko. Tila may nangyayaring nakawan doon at ayaw ibigay nong ginang ang kanyang bag kaya nilabas nito ang baril, madami na rin ang taong nakapalibot at yong iba'y tumakbo na dahil sa takot. Nanlaki ang mata ko ng makita ang baril at unti-unting sumisikip ang aking dibdib, nagsisisi aking tumingin pa ako sa gawing 'yon, tatalikod na sana ako ng tuluyan ng ipinutok ang baril kaya unti-unti na rin akong napatulala sa sahig, gusto kong labanan itong nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano. Wala na akong naririnig kahit isang boses at wala na rin akong nakikitang tao sa paligid at puro mga bagay na lamang. Nararamdaman kong unti-unting kumilos ang aking mga paa dahil sa aking nakita. Gusto kong pigilan ito dahil alam kong magiging delikado ang buhay ko pero hindi ko kaya dahil para akong nasa loob ng balloon na hindi makagalaw. Naramdaman kong may humila sa akin at niyakap ako kaya unti-unting napapikit ang aking mata. "Are you sure? She's okay?" "Yes, she needs to rest, Sir." Napagising ako sa boses na 'yon kaya napamulat ako at agad kong nakita si Sir na may kasamang Doctor. "S-sir.." Nauutal kong tawag sa kanya at nakita kong mabilis itong lumapit sa akin pero tumigil ito at lumingon kay Doc. "You can go now." Seryoso nitong sabi at nagpaalam na ito sa kanya at sa akin. Nang makaalis na ito ay bumangon na ako sa pagkakahiga dahil nakakahiya na kay Sir. "What are you doing here?" Malamig nitong tanong kaya napaiwas ako ng tingin. "Ahmm.. A-Ako po yong naghatid ng mga dokumentong naiwan niyo po." "Sa pagkakaalam ko, hindi ikaw 'yong inutusan ko." Seryoso nitong sabi sabay tayo at tumalikod sa akin. "Busy po kasi sila--" "Next time, don't come here again! Alam mo bang kung anong nangyari sayo?" Galit nitong sabi na nagpakaba sa akin. Ito 'yong unang beses na may magalit sa akin at pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko 'don. "I'm sorry..." Sambit ko at tumayo na. Gusto ko nang umalis dito. "M-Mauna n-na po ako.." Nauutal kong sabi at mabilis na umalis sa opisina nito at hindi na ako naghintay sa sasabihin nito sa akin. Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok at hinawakan ang aking dibdib dahil naninikip pa rin ito. "A-Ang s-sakit..." Bulong ko, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa sinabi nito sa akin. Ayokong umiyak dito kaya huminga ako ng malalim at pinagaan ko ang aking pakiramdam. Nang tuluyan na akong makalabas ay napansin kong naiwan pala ang bag ko at nandoon ang pera ko. Napapikit ako sa inis at tumingala sa harap. "Hinding hindi na ako babalik 'diyan!" Naiinis kong sigaw at umalis na. Bahala na, maglalakad nalang ako pauwi kaysa naman makita ko pa siya. Naglakad lakad ako at masayang makita na maraming tao ang nasa labas, may nag kwekwentuhan, mga batang nag-lalaro at yong iba naman ay katulad ko na naglalakad. Sa buong buhay ko ay nasa loob lamang ako dahil na rin sa traumang nangyari sa akin. Napabuntong-hininga ako ng maisip ang nangyari kanina, paano kaya kung walang pumigil sa akin, ano kayang mangyayari? Paano kung wala si Sir doon? Pero agad ko namang niwaglit sa isipan ko ang ginawa sa akin ni sir, kahit na ganon ay hindi ko pa rin nakalimutan 'yong ginawa niya sa akin kanina, buti nga dinala ko pa ang naiwan niya tapos papagalitan niya pa ako. "Hays.." Siya lang ang lalaking nakilala ko na ginagawa ito sa akin. Napasulyap ako sa gilid ko ng makitang maraming bata ang naglalaro at napansin kong nasa park na pala ako kaya naisipan ko munang umupo sa gilid upang pagmasdan sila. Ang saya sigurong madami kang kaibigan at naglalaro dahil nong bata ako ay hindi ko naramdaman 'yon pero okay lang dahil para rin naman sakin 'yon. Sapat na sa akin na makitang masaya silang naglalaro. Napansin kong habang tumatagal ay pinapauwi na sila ng kanilang yaya hanggang sa wala ng natira kaya nalungkot ako. "Hays.." Huminga ako ng malalim para maibsan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Napatingala ako sa langit ng makitang makulimlim at tila uulan na kaya agad akong tumakbo upang sumilong at 'doon bumuhos ang ulan. "Ang malas naman, bakit kasi umulan pa." Bulong ko at hinaplos ang aking braso na nabasa. Umihip ang malakas na hangin kaya mas lalo kong niyakap ang sarili. Hindi pala ako nagdala ng extrang damit dahil hindi ko naman alam na uulan ngayon at kung magdala naman ako ay hindi ko rin magagamit dahil naiwan ang bag ko doon. Sana, maiuwi ni sir ang bag ko dahil nandoon ang cellphone ko. Napawi ang lungkot ko ng makitang may mga batang naliligo sa ulan. Ang gandang pagmasdan na hindi sila takot na maulanan. Nakaramdam ako ng pananabik na gayahin sila kaya unti-unti akong lumabas sa sinisilungan ko. Naramdaman kong unti-unti na akong nababasa at nakaramdam ako ng saya ng maramdaman ang ulan na bumubuhos sa akin. Nakangiti akong napatingala sa langit. Sa wakas, naramdaman ko rin ang bagay na hindi ko nagawa noon. Lalo akong sumaya ng umulan ito ng malakas at umihip ng malakas na hangin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko ramdam ang lamig dahil yata sa sayang nararamdaman ko at tila manhid na ako para maramdaman 'yon. Pinagmasdan ko ang aking paligid ng wala ni isang tao akong nakita. Pumasok na yata sila dahil sa malakas na ulan pero hindi naibsan ang sayang nararamdaman ko kaya naisipan kong maglakad nalang ako ngayon habang papauwi para mas maenjoy ko pa ang ulan at excited na akong magawa 'yon kaya agad akong kumilos. Gulat akong napaharap dahil sa malakas na bumisina at hindi ko makita kung sino ito dahil sa ilaw na tumatama sa akin kaya napayuko na lamang ako. Napaigtad ako ng may maramdamang may nilagay na isang bagay sa aking likod at niyakap ito sa akin. Napatingala ako at gulat akong makitang si Sir ito. Tila galit ito pero pinipigilan lamang. Mas seryoso ang mukha nito at napakalas ako ng makitang pati siya ay nababasa na. "Sir, nababasa na po--" naputol ang sasabihin ko dahil mahigpit niya akong hinila at pinapasok sa kanyang sasakyan at umikot na ito para makapasok. Napayuko ako ng makapasok na ito. Nahihiya akong tingnan siya dahil sa nagawa ko ngayon, para akong bata na sabik sa ulan. "Are you dumb!" Nanginig ako sa tila kulog nitong boses. 'Yong nakita kong galit sa mukha nito kanina na pilit na pinipigilan ay lumabas na. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. "Are you insane!? Hindi mo ba ramdam 'yong ulan na 'yon!" Galit nitong sabi na nagpabigay sa akin ng kaba. Ngayon ko lang naramdaman yong lamig at takot akong malaman ito nila mama dahil ayaw nila akong nagpapaulan. "I-I'm.. S-Sorry..." Bulong kong sabi at tila nanghihina ako sa mga nangyari, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko. Hindi nito pinansin ang sorry ko at pinaardar na nito ang sasakyan kaya napayuko na lamang ako at naramdaman kong unti-unting pumikit ang talukap ng aking mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD