Kabanata 34 Mama Ang bilis talaga ng panahon dahil friday na naman ngayon at sa mga nakalipas na araw ay walang naging problema saamin ni sir kaya mas lalo kong nararamdaman ang pag-aalala niya at malambing rin ito sa akin. I don't know kung may nararamdaman ba ito sa akin kasi never niyang binuksan yong usapan tungkol sa relasyon naming dalawa. Siguro, maging kuntento nalang ako? Kung masyado ng komplikado ay ako na ang mag-aask sa kanya kung ano ako sa kanya. "Azalea! Come here, anong ginagawa mo diyan?" Naputol ang iniisip ko ng marinig ko ang sigaw ni Faye. Nandito kami ngayon sa mall para mamasyal at may bibilhin daw si Faye. Noong nakaraang araw nga ay dapat pupunta kami dito sa mall pero yon nga ay kinausap ako ni Josh kaya hindi natuloy. Hindi na rin kami nagkita ni Josh sa