Kabanata 17 Embarassing Pagkatapos kong magmukmok ay namumula ang mga mata at nakakahiya kila ate kung bakit nagkaganito ako. Paglabas ko kanina ay tinanong agad ako ni ate kung bakit daw umiyak dahil namumugto ang aking mata. Wala akong maidahilan kaya yong mga magulang ko na naman ang ginawa kong rason kung bakit umiyak ako. Naniwala naman ito dahil nong una ay nagkaganito na rin daw siya ng malayo siya sa kanyang pamilya. "Diba dalawa ang pangalan mo? Ano nga ulit 'yon?" Napatingin ako kay ate ng magtanong siya sa akin. "Hmm.. Verine po." Tugon ko sa kanya kaya tumango tango ito. "Ang sosyal talaga ng pangalan mo! Siguradong prinsesa ang turing sayo kung hindi kalang mahirap." Sambit ni ate na muntik na akong masamid sa kinakain kong crackers. "A-Ah..." Hindi ko alam kung anong