Kabanata 47 4 years later Pinagmasdan ko ang tanawin na sa aking harapan. Napangiti ako dahil natupad ko yong sinabi ko noon na when I have chance to spend my life here in a peaceful place ay gagawin ko at ito na 'yon binigay na ni Lord sa akin. Pero habang nag-iisa akong nag-iisip dito ay bumabalik sa akin ang pait ng nakaraan ko. Hindi ko mapigilang umiyak gabi-gabi dahil sa ginawa ko at hindi ko alam kong galit ba sila sa akin o hinanap ba nila ako. Mapait akong ngumiti ng pumasok sa aking isipan na hindi ata nila ako hinanap dahil umabot ako ng ilang taon dito. Nong gabing 'yon ay plinano kong umalis na kaagad dahil masyado na akong nasasaktan. Pinili kong tumakas kaysa harapin 'yong katotohanan. Mapait akong ngumiti ng maalala ang gabing 'yon. . Naramdaman kong may tumulong luha