Kabanata 19 First day Maganda ang gising ko ngayon dahil ngayong araw na ang simula ng klase namin at kinakabahan na rin ako dahil first time kong mararanasan ito. "Good luck sayo!" Napangiti ako ng masilayan ang masayang mukha ni ate at ni manang. Alam kong sobra silang natutuwa sa akin. Naka-uniform na ako at hindi muna yong white na uniform yong sinuot ko dahil sabi ni sir ay wala pang sinasabi ang department namin kung magsisimula na kaming suotin 'yon. "Let's go." Dumako ang tingin ko kay sir ng lumabas ito at pumasok na sa kotse. Yes, siya ang maghahatid sa akin sa university. Ayaw ko nga eh pero mapilit siya kaya hinayaan ko na lamang. Nagpaalam na ako kila manang at sumakay na ako sa front seat. Tinuon ko na lamang ang aking paningin sa labas at pinagmasdan ang mga gusalin