Kabanata 14 No boys Hindi pa rin humuhupa ang pagbilis ng t***k ng puso ko at parang hindi na ako makaget over sa ginawa nito sa akin kanina. Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan namin at nakakain na rin sila manang pero ito ako ngayon iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. "Ang taray mo naman ha, sumabay pa talaga sa pagkain ni sir." Pang-aasar ni ate kaya sumimangot ako. "Kung may choice lang ako ate, ayoko talagang sumabay. Nakakahiya talaga." Sambit ko at nakita kong tumawa ito. "Ayaw mo non? Nakita mong kumain si sir." "Wala namang special don kung makita ko siyang kumakain." "Woyyy, may special kasi makikita mo yong gwapo niyang mukha! Tapos naisip ko, what if iba yong kinakain niya? Yong alam mo na heheheh." Humagikgik ito at namula ang pisngi ko ng magets ko ang sinasab