Kabanata 32 Date Nagising ako ng maaga ngayon para hindi ako malate. Nakapagpaalam na ako kila manang at ate na papasok na ako sa school maliban kay sir dahil nahihiya pa rin akong harapin siya pagkatapos ng nangyari kagabe. Para akong lalagnatin sa pangyayaring 'yon. Ganon pala ang feeling? Well, it was nice and I can't deny the fact na gusto kong nasa tabi ko lang siya. Napatigil ako ng makita si manong na tila may hinihintay. I thought, hinatid na niya si sir. "Manong, sino po ang hinihintay niyo?" Agad kong tanong. "Ikaw, hija. Sabi ni sir na mamaya pa daw siya papasok kaya ihatid daw muna kita." Sabi nito. "Gising na po ba siya?" Tanong ko. "Oo" tugon nito kaya agad na akong sumakay. Buti hindi niya naisipang, siya ang maghatid sa akin? Kung siya ay baka hindi na ako makahing