Kabanata 24 Blush Hindi ko na natulungan sila ate sa kusina dahil naglinis pa ako ng katawan. Pagpasok ko sa kusina ay napatigil ako nang makita siyang kumakain at patapos na rin ito. Malamig ang titig nito sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at dumiretso sa likod ng kusina para kunin ang mga gamit dito sa kusina na nakalimutan ni manang na kunin kanina. At sa pagbalik ko ay wala na si sir sa kusina at nililigpit na ni ate ang pinagkainan ni sir. "Tapos na si sir?" Tanong ko kay ate at tila tinatraydor ako ng dila ko dahil may pakialam pa rin ako kay sir. "Oo eh, parang wala sa mood." Sabi nito. "Palagi naman siyang ganun." Wala sa sarili kong tugon dahil totoo naman. Masyadong seryoso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. "Woyyy galit ka ba kay sir?" Tanong ni ate kaya