NANLALAKI ang mga mata ni Suzi habang nakatingin sa kaniya. Pinisil pa nito ang kaniyang magkabilang pisngi. At saka siya nito sinuntok nang mahina sa kaniyang dibdib. "Totoo ka, Papa Travis?" hindi pa rin makapaniwalang sabi nito. "Teka, tatawagan ko si Vickierela. Tiyak ako na matutuwa iyon kapag nalaman niya na buhay ka pa. Thanks Lord talaga!" Ngumiti siya nang mapait dito. "Suzi, galit na galit sa akin si Vicky. Kaya tayo nandito sa Pangasinan at nakatayo sa harapan ng private resort na iyan dahil may problema ako, Suzi. At kailangan ko ng tulong mo. Nagkita na kami ni Vicky at nasa loob siya ng resort na iyan." Sinapo niya ang kaniyang pisngi habang nakahalukipkip ang isa niyang kamay. "Kailangan nating iligtas si Vicky sa kamay ni Silva." "Teka... naguguluhan ako, Papa Travis. Na

