NAKARATING ng Tarlac sina Travis at kaniyang mga kasama. Inihinto ni Luigi ang van sa isang bodega na malapit sa bukirin. Walang mga kabahayan ang tansya niyang isang ektaryang taniman ng sugarcane. "Nandito na tayo, Gaspar. Sumama ka lang sa amin baka umiyak ka," kantiyaw ni Luigi. Ikinuyom ni Travis ang kaniyang kamay at kinagat ang ibabang labi sa inis. "O, huwag naman ninyong ginagalit si Baby Gaspar. Sinabi ko na sa inyo na baka magsumbong iyan," ana man ng isa. At saka nagtawanan ang mga ito habang pinagtitinginan siya. Nilapitan siya ng kasama niyang hindi tumatawa sa ginagawang pang-aasar sa kaniya ng mga kasama. "Huwag mo silang pansinin. Sira lang talaga ang ulo nila dahil gumagamit sila ng droga," seryosong sabi nito at saka siya nilampasan para sundan ang kaniyang mga kasa

