"Bakit nakabusangot si Vicky?" usisang tanong ni Shine kay Suzi. Tinignan niya nang masama ang kaibigan na nasa tapat lamang niya habang kumakain ng pizza. Nag-uusap ang dalawa na para bang wala siya. Pinaparinggan siya ng mga ito dahil na rin sa pagiging malungkot niya. Bagong panganak lamang si Shine pero parang hindi ito nanganak. Isang buwan na rin ang nakaraan mula nang isilang nito si Heaven. Nasa master's bedroom sila habang nasa crib naman si Heaven na mahimbing na natutulog. "Hay naku! Nasabi mo pa! Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kaibigan nating iyan. Anniversary kasi nila ni Papa Travis kahapon. Tapos si bruha may napansin kay Papa Travis na kakaiba sa leeg raw niya. Tapos ayan nag-isip na, na baka kissmark iyon ng isang haliparot na higad. O baka naman kissmark ng