"Tito Gilbert, hindi maganda na nagpapasok lang kayo basta ng tao rito sa mansion. Paano na lang kung hindi mapagkakatiwalaan ang taong iyon?" pagtututol ni Will sa desisyon ng matanda. Hindi maganda ang kutob niya kay Gaspar. Mabilis itong bumunot ng baril at ang mga mata nito ay parang nanlilisik sa galit. "Will, iniligtas niya ang buhay ko. Iyan lamang ba ang sinadya mo kaya nagtungo ka sa opisina ko? Dapat mong pasalamatan si Gaspar dahil sa kaniya ay buhay pa ako. Kinukuwestiyon mo ba ang desisyon ko, Will?" naasar na tanong nito sa kaniya. Nagyuko ng ulo si Will habang nakaharap dito. "Sorry, Tito Gilbert. Nag-aalala lamang ako sa inyo at sa Black Diamond." "I know. Alam ko naman ang pag-aalala mo, Will. Alam mo naman ang kaya kong gawin sa mga taong traydor. Kung isang traydor s

