Ngayon ko lubos na naiintindihan ang padalos-dalos na kilos ni Sophia noon. Sinong hindi agad susugod kung mahal mo sa buhay ang nakataya? Pilit kong ikinalma ang aking sarili habang inihahanda ang mga kagamitan ko. Natawagan ko na rin ang aking mga kasamahan upang maging maayos ang pagbuo namin ng plano. Traydor ang kalaban ko, magdala man ako o hindi ng kasama ay alam kong pahihirapan pa rin nila ako. Kinakain man ng kaba at takot ang sistema ko ay pilit kong iwinaksi 'yon. Alam kong hindi agad nila gagalawin si Jairon dahil s'ya ang gagamitin nilang pain sa 'kin. Gano'n sila maghiganti, gano'n sila kumilos upang ipakita ang kabrutalan nila. Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na ang door bell ng condo unit ko. Sinuri ko muna ang aking tablet na nagkokonekta sa door camera upang masi