Lorien Angel POV... Nandito nako sa labas ng Hotel kung saan gaganapin ang Party na sinasabi ng tatlong yun. Nakadress ako at ang kulay ay Royal Blue. Wala lang gusto ko lang ng ganitong kulay. Kinakabahan akong pumasok ng biglang may tumawag saakin. "Ms. Angel!" Sandra. "Wow ang ganda mo naman Ms. Angel." Sabi naman ni lane Nahiya naman ako. "Kayo din kaya." Sabi ko. "Tara na po. Magsisimula na po ang party." Sabi nila at dinala ako sa loob. Umupo kami sa reserve na pwesto at kinakabahan ako. Bakit naman ganito ang puso ko parang nagpapatayan. At grabe naman tong party na ito ang bongga dahil lang sa Drawing ko nagkaganito agad ang party? Gastuhan talaga. "Ganito ba talaga ang boss niyo? Garbo talaga." Sabi ko. Napatawa nalang sila. "Sa totoo lang... ngayon pa niya ginawa ito.