Bumalik na sa dati ang lahat nang sumunod na araw. Hindi na ako kinulit pa ni Rowena tungkol doon. Tungkol din sa balak kong isang buwan, naisip ko na i-enjoy na lang din. Pansamantalang kasiyahan. Alam ko na saktan ko man siya o hindi ay hindi pa rin kami pwede sa dulo. His father almost killed my father. At hindi ko yata kakayanin kapag lumabas na ang balitang iyon. I cannot be with someone whose family is a secret criminal. Pero ang nakakainis ay sa tuwing kasama ko siya ay nakakalimutan ko iyon. Parang wala lang. Parang walang plano, parang walang paghihiganti... just the two of us having fun. Nag-text siya, bumati ng magandang umaga, naghihintay na lang daw sila ng oras ng paglipad ng eroplano. I smiled and replied good morning, too. "Ma'am, delikado ka na, ngumingiti ka na mag-i