Nang magising ako, nakaalis na naman si Raiden kaya umiiyak na naman ako. Hinahaplos ni Pepper ang aking likod habang panay ang buntong hininga. "Alam mo, feeling ko may post partum ka. You need a break. Para makapag-isip ka ng maayos." "Kailangan kong makausap ang asawa ko, Pepper." "Eh, ayaw ka ngang kausapin. Ang naive mo pagdating sa pag-ibig. Nakakainis ka!" sermon niya sa akin pero niyakap naman niya ako ng mahigpit. Tingin ko nga din may post partum ako. Hindi pa ako nakaka-recover sa nangyari sa baby namin, tapos heto na naman ang panibago at matinding pagsubok na kinakaharap namin. "Kumain ka na." Umiling ako. Wala akong gana. Hindi ako makaramdam ng gutom ngayon. "Mamaya na." "Hindi puwede ang mamaya na. May iniinom kang gamot kaya kumain ka." Wala akong nagawa ng s