"Are you really sure about it, hon?" tanong ni Raiden kay Rosario habang nag-iimpake.
Ngumiti naman si Rosario sa asawa. "Oo naman, hon."
Napabuntong hininga ang asawa niya. "Baka mamaya ay mahirapan ka." Naupo sa kama ang asawa niya at hinawakan ang kamay niya. "Ayaw kong mahirapan ka and besides, iniwan mo ang trabaho mo para lang alagaan si lolo."
Pinisil niya ang kamay ng asawa. "Hon, hindi na naiiba sa akin si Lolo Felipe. Remember, nang ipakilala mo ako sa pamilya mo ay siya kaagad ang tumanggap sa akin kaya mahal na mahal ko na din siya."
Nang ipakilala ni Raiden si Rosario sa pamilya ng lalaki ay kahit nakangiti ang mga magulang ng asawa niya ay alam niyang hindi kaagad siya gusto ng mga ito. Ramdan niya. Si Stacey, ang nag-iisang kapatid ni Raiden ay hindi itinago ang pagkaayaw sa kanya.
Pero ang Lolo Felipe ni Raiden ay agad siyang tinanggap. Hindi lang pinakita ng matanda sa kanya kung 'di pinaramdam din. Dahil sa wala na nga siyang pamilya ay nang ikasal sila ng asawa ay si Lolo Felipe ang naghatid sa kanya sa altar.
"Isa pa, hon, alam naman natin na ayaw niya ng private nurse at pumayag siya na ako ang mag-alaga sa kanya. Don't worry, hon. Hindi ako napipilitan. Gusto ko talagang alagaan si Lolo Felipe at alam kong makakampanti ka din kung ako ang mag-alaga sa kanya."
Inilagay ni Raiden ang kamay niya sa noo nito. "Thank you so much, hon. Hindi ko na alam kung papaano ka pa pasasalamatan sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin."
Pumantay siya sa asawa at hinawakan ang pisngi nito. "Hon, mag-asawa tayo kaya kailangan natin magtulungan at sinasabi ko sa 'yo tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Lahat gagawin ko para sa 'yo. Gano'n kita kamahal."
Hinawakan ni Raiden ang kamay niya na nasa pisngi nito at hinalikan. "I don't know what will I do without you, hon."
Napangiti na lang si Rosario sa isiping kailangan siya ng asawa niya. Nagpatuloy na sila sa pag-iimpake. Sa mansyon sila ngayon titira para alagaan ang lolo ni Raiden.
Kinakabahan si Rosario dahil makakasama niya ang mga magulang ni Raiden lalo na ang kapatid nito. Mabuti na lang at nasa out of town pa ang mga magulang ni Raiden. Pero si Stacey ay nasa mansyon. Noon pa talaga ay hindi na siya gusto ni Stacey. Mas boto kasi ito sa ex-girlfriend ni Raiden, na si Britney, na naging best friend na nga ni Stacey.
Ilang taon din nagkaroon ng relasyon sina Raiden at Britney. Naghiwalay lang naman ang dalawa dahil tinupad ni Britney ang pangarap nitong maging isang fashion designer sa Paris. Nasa ibang bansa na ang ex-girlfriend ni Raiden at wala na silang balita sa babae. Kampante din naman si Rosario na mahal siya ng asawa at hindi lang basta isang panakip butas.
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo, lolo?" tanong ni Rosario nang matapos na niyang pakainin at painumin ng gamot si Lolo Felipe.
Ngumiti naman ang matanda sa kanya. "Ayos na ang pakiramdam ko lalo na't magaling ang nurse ko."
Napailing at natawa na lang siya. "Hay naku! Napakabolero mo talaga, lolo."
Napatingin siya sa matanda ng hawakan nito ang kamay niya. "Hindi ako nagbibiro, Rosario. Alam mo? Napakaswerte ng apo ko sa 'yo kasi ikaw ang napangasawa niya. Maliban sa maganda ka na ay mabait pa. Hindi katulad ng ex-girlfriend niya."
Lingid sa kaalaman niya na hindi gusto ng matanda ang ex-girlfriend ni Raiden habang gustong-gusto naman ito ng mga magulang ng asawa.
"Anyway, huwag na natin pag-usapan ang babaeng 'yon. Pag-usapan naman natin ang tungkol sa inyo ng apo ko." Mas lalong ngumiti ang matanda. "Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo. Meron na ba?"
Nahiya naman siya. "Wala pa po, lolo, at hindi ko pa alam kung kailan, pero sana soon." Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas simula ng ikasal sila ng asawa. Hindi naman sa nagmamadali sila pero gusto na din kasi ng asawa niya na magkaanak na sila.
"Sana naman ay bigyan niyo kaagad ako. Baka mamaya ay hindi ko na maabutan ang apo ko sa inyo."
Hinawakan niya ang kamay ng matanda at mahinang pinisil ito. "Lolo, aabot pa kayo. Ang lakas niyo pa kaya. Kaya alam kong aabot pa kayo at makakapaglaro pa kayo sa apo niyo sa tuhod."
"Pero traydor ang sakit ko, hija. Hindi natin alam kung kailan ulit aatake."
Bigla naman siyang natahimik dahil tama ang sinabi ng matanda. Napabuntong hininga na lang siya at ngumiti. "Kaya nga po nandito ako para alagaan kayo at para mabantayan kayo. Gusto kong makita niyo pa ang magiging apo niyo sa amin ni Raiden."
Hindi napigilan ni Rosario na yakapin ang matanda. Kagaya ni Raiden ay hindi niya din kaya na mawala ang matanda dahil maliban sa asawa ay ito na lang ang nagmamahal sa kanya ng totoo. Kapag nawala ang matanda ay wala na siyang magiging kakampi maliban sa asawa.
NANG makatulog na ang matanda ay lumabas na din si Rosario sa silid. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto para hindi magising ang matanda. Nagulat siya ng sa paglingon niya ay nakita niya si Stacey na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya habang naka-cross arm pa.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo, no?" Napakunot noo siya sa sinabi ni Stacey. "Hindi mo lang pinakasalan ang kapatid ko, tumira ka pa dito sa mansyon." Napatawa ng mapakla si Stacey. "At talagang ikaw pa ang nag-request na maging tagaalaga ni lolo kahit pwede naman kaming kumuha ng private nurse."
Napabuntong hininga na lang siya. "Hindi ko pinilit, okay? First of all, ayaw talaga ng lolo mo ng isang private nurse kaya nag-volunteer na lang ako."
Ngumisi ang babae. "Liar." Hindi siya umimik. "As I know, plinano mo ang lahat." Napakunot noo na lang siya sa pinagsasabi nito. "Ano bang gusto mo? Wait, let me rephrase that question. Ano bang mapapala mo kung aalagaan mo ang lolo ko? Dahil sa pera niya? In case na mawala siya ay may makukuha kang mana?"
Napabuntong hininga na lang ulit siya. Kaya nga hangga't makakaya niya ay ayaw niyang magkasalubong sila ni Stacey dahil sa tuwing nagkikita sila ay nag-aaway lang sila. Well, si Stacey lang naman ang naghahanap palagi ng gulo.
"Hindi pera ang habol ko kaya inaalagaan ko si lolo. Hindi ba nilinaw ko na sa 'yo noong hindi pa kami kinasal ng kuya mo na hindi pera ang habol ko kaya ko siya pinakasalan. Mahal ko ang kapatid mo at mahal ko din si Lolo Felipe kaya ko ginagawa ito."
"Gold digger." Yon ang sinagot ni Stacey sa mga sinabi niya.
Muli siyang napabuntong hininga. "Wala na akong magagawa kung ayaw mong maniwala. Isipin mo na ang gusto mong isipin basta malinis ang konsensya ko."
Tumalikod na siya para sana umalis pero biglang hinila ni Stacey ang buhok niya. Muntik na siyang mapasigaw, mabuti na lang at napigilan niya dahil kung hindi ay baka nagising na ang matanda.
"Ano ba, Stacey? Bitawan mo nga ang buhok ko," sabi ni Rosario pero hindi nakinig sa kanya si Stacey.
"Hindi pa ako tapos makipag-usap sa 'yo, Rosario. Wala akong pakialam kung asawa ka ng kapatid ko basta ito ang tatandaan mo. Nasa teritoryo kita kaya dapat kang sumunod sa akin. Kaya huwag na huwag mo akong tatalikuran habang kinakausap kita, naiintindihan mo?"
Hindi siya sumagot at nakahawak lang siya sa buhok niya. Ngumisi si Stacey at malakas siyang itinulak dahilan para bumagsak siya sa sahig.
"Subukan mo lang din na magsumbong kay Kuya Raiden dahil hindi lang 'yan ang matitikman mo."
Napasigaw siya ng sa pagdaan ni Stacey ay tinapakan pa nito ang paa niya. Napapikit na lang siya ng mariin at sinabi sa sarili na kailangan niyang tiisin ang pang-aapi sa kanya ni Stacey para sa asawa niya at kay Lolo Felipe.
"I'M home," sabi ni Raiden nang makapasok ito ng mansyon.
"Hi, hon." Agad na lumapit si Rosario sa asawa at mabilis na hinalikan sa labi ang asawa. "How's your day?"
Ngumiti naman ang asawa niya. "Okay lang. Nakakapagod pero nang makita kita ay nawala na ang pagod ko." Napangiti siya at kinilig sa banat ng asawa niya.
"Tss! Ang baduy mo, kuya." singit ni Stacey na kakapasok lang ng sala.
"Bitter ka lang." Umikot lang ang mga mata ni Stacey sa sinabi ni Raiden. "Kapag nag-asawa ka na din ay magiging baduy ka talaga, right, hon?" Kumindat ang asawa niya sa kanya dahilan para mapailing siya at mapangiti.
Kahit noong nanliligaw pa sa kanya ang asawa ay may mga banat na talaga ito na kahit baduy man sa pandinig ng ibang tao ay napapakilig naman siya.
"Halika na at magbihis para makakain na tayo ng hapunan," sabi na lang niya.
Naglakad na sila at napatigil ng mapansin ni Raiden ang paika-ika niyang paglalakad. "Wait, what happen?" Nagtaka naman siyang tiningnan ang asawa. Bahagya siyang napaatras ng lumuhod ang asawa niya at hawakan ang paa niya. "Anong nangyari sa paa mo at paika-ika kang naglalakad?"
Magsasalita na sana siya ng sumingit si Stacey. "Oo nga naman, Ate Rosario. Anong nangyari sa paa mo?"
Napatingin siya kay Stacey na masama ang tingin sa kanya. Alam niya ang tinging 'yon. Pinagbabantaan siya. Hindi 'yon nakikita ni Raiden dahil nakatalikod ang asawa niya sa babae.
Bumaling na lang siya sa asawa at ngumiti. "Wala ito, hon. Natapilok lang ako sa may hagdan kanina."
Narinig niya ang pag-ismid ni Stacey. "Ang tanga mo naman."
"Stacey!" sabi ni Raiden na may pagbabanta.
Napatingin naman ang babae sa kapatid niya. "What? Totoo naman ang sinasabi ko, ah. Kung hindi din naman siya tatanga-tanga ay hindi siya matatapilok. Easy."
"Kahit na. Hindi pa din maganda na magsalita ka ng ganyan sa nakakatanda sa 'yo, lalo na sa asawa ko."
Napanganga si Stacey at hindi makapaniwalang nakatingin sa kapatid. "Really, Kuya? Mas kakampihan mo pa ang babaeng 'yan kaysa sa akin na kapatid mo?"
Napabuntong hininga na lang si Raiden. "Wala akong kinakampihan, okay? Ang gusto ko lang ay respitohin mo ang Ate Rosario mo lalo na't asawa ko siya."
Umikot lang ang mga mata ni Stacey. "Whatever." Umalis na din ito.
Hinawakan ni Rosario ang balikat ng asawa dahilan para mapatingin ito sa kanya. "Hayaan mo na, hon. Bata pa din naman si Stacey. Maiintindihan niya din ang mga sinabi mo."
"Bata? Hindi na bata si Stacey, hon. She's twenty three right now. Dapat alam niya kung paano gumalang. Kahit nga siguro grade one ay alam kung paano gumalang, eh." Napabuntong hininga ang asawa niya. "Masyado kasing na-spoiled nina mom and dad kaya gano'n ang ugali." Tiningnan siya nito ng humihingi ng paumanhin. "Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko na 'yon, hon."
Ngumiti naman siya. "It's okay, hon. Ako na lang ang magpapakumbaba dahil sa aming dalawa ay ako ang mas nakatatanda."
Hinalikan siya ng asawa sa noo. "Thank you, hon." Bigla siyang napasigaw nang buhatin siya ng asawa. Napatakip na lang siya ng bibig at hinampas sa balikat ang asawa. "Huwag mo nga akong basta-basta na lang buhatin, hon. Ibaba mo nga ako at baka may makakita sa atin."
Umiling si Raiden. "Eh, ano naman kung makita nila tayo? Mag-asawa naman tayo and besides, you are injured, hon."
Umikot ang mga mata niya. "Masakit lang ang paa ko pero nakakalakad pa naman ako at hindi pa ako baldado."
Nagsimula ng maglakad ang asawa niya. "It's okay. Mas mabuti ng huwag mo na munang igalaw ang paa mo at baka lumala. Sige ka. Kapag lumala 'yan ay baka hindi ka makalakad. At kapag hindi ka nakalakad ay malaya ko ng magagawa ang lahat ng gusto ko ng hindi ka nakakapalag. Hindi ka makakatakbo at makakatakas sa akin."
Sinamaan niya ng tingin ang asawa at mahinang pinisil ang pisngi nito. "You are such a naughty husband."
Ngumisi naman si Raiden. "I can be naughty if it's you and I can be wild if you want."
Napailing na lang si Rosario sa kapilyohan ng asawa. Kahit saan ilagay ang asawa niya ay naisisingit nito ang pagiging pilyo. Kaya mahal niya, eh.