Hindi na din ako nagulat nang lumabas ang result ng DNA test. Wala na ding nagulat kahit isa sa amin. "Wala naman kayong anak, magparaya ka na lang at umalis," sabi ni Mommy pagkatapos basahin ng Doktor ang resulta. "Asawa ko siya, Mommy. At ang nangyari sa amin ni JZ ay isang pagkakamali." Mapait na ngumiti si JZ. "Lasing na lasing ako, kung wala ngang nabuo na baby hindi ko talaga maiisip na may nangyari sa amin. I'm not lying when I said that I don't remember anything," matigas na sabi ni Raiden. And I believe it. Hindi sa pagiging hangal pero naniniwala ako sa asawa ko. Kung mayroon mang hindi dapat pagkatiwalaan dito at mayroong higit na may kasalanan, iyon ay si JZ. I don't wanna think about it anymore. Ayaw ko ng isipin kung ano ang ginawa nila nang gabing iyon. One week ko n