Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding. Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books