RAIDEN Hindi ako makatulog. Ayaw ko ding matulog, sa kagustuhang mahanap ko na ang aking asawa at ng anak namin. Kanina pa ako tawag nang tawag sa mga connections ko, pero wala pa din silang maibigay na resulta sa pinapagawa ko sa kanila. Walang kahit ano'ng kuha ng cctv sa sementeryo o kahit ilang blocks mula dito. Kahit sa ospital kung saan pinalitan ang baby namin, wala ding footage. Sino kaya ang may gawa nito? Oras na malaman ko kung sino siya... Baka mapatay ko siya. Hinilot ko ang aking ulo. Pagod na pagod na ang aking isip. Sana maisip ng bumalik ni Rosario dahil kailangan naming hanapin ang aming anak. Mas maganda kung magkasama namin siyang hanapin. Nahiga ako sa kama naming mag-asawa. Habang nakatulala, bumabalik ang mga alaala ng huling gabi naming magkasama. Kakali