Kabanata 65 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA PAGKATAPOS niyon ay nagpatuloy na rin kami sa paliligo at sabay na rin kaming lumabas mula sa banyo at sabay na rin kaming nagbihis. Kanya kanya na kami ng kilos sa loob ng kwarto habang kami ay naghahanda patungo sa lugar kung saan ay kami'y maghahanda upang magmukha kaming clients ng company ni Daddy. Sa tingin ko ay magkakaroon kami ng major na pagdi-disguise upang sa ganun ay hindi kami mamukhaan ng mga alipores ni Elena. Nakapambahay lang kami ng lumabas kami sa bahay na iyon. Ayon sa kanya ay magbibihis pa raw kami sa pupuntahan naming lugar kaya naman hindi na kami nag-abala pa na magsuot ng formal