Kabanata 61 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA NAG-ORDER pala siya ng pagkain kaya naman hindi na siya nag-abala pang nag-prepare ng mga ito. Simple lang ang mga pagkain at hindi gaanong magarbo. Wala na akong ibang masabi pa kung hindi ang ma-impress sa kanya. Napakatahimik ng lugar. Tanging huni lamang ng mga kuliglig ang maririnig sa kapaligiran. Wala ring masyadong kapitbahay at ang susunod na mga kabahayan ay halos isang daang metro ang layo. Kaya naman masasabi kong tahimik ang lugar at probinsya kung tutuusin. Walang ibang emosyon akong naramdaman habang kami ay kumakain kundi ang kagalakan sa aking puso at sa aking pagkatao. Wala kaming ibang p