Kabanata 67 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA Pinapasok ako ng babae sa loob at saka ko narinig ang paglapat ng pintuan sa aking likuran. Ilang beses na akong nakapasok sa opisina na ito dahil laging nandito si daddy noong mga panahong lagi niya pa akong dinadala sa kanyang opisina. I can still remember my dad holding meetings and other business talks with other clients while I am waiting for him. Palagi kasing nauuna ang mga iyon bago niya ako kausapin sa mga bagay na lagi kong inire-request sa kanya katulad na lang ng pera. Sinigurado talaga ni Venus na hindi ako makikilala ng kahit na sino dahil sa aking ayos at make up ngayong araw na ito. Hindi k