Kabanata 48 Unang Bahagi Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA NASAPO ko na lang ang aking noo nang mapagtanto na hindi nga siya nagbibiro. Malakas na ang hilik niya habang nakahiga sa kama. Ang kanyang mga paa ay nakasayad pa sa sahig, habang ang kanyang mga kamay ay nakalatag lang sa kama. Nakasuot pa siya ng pantalon ngunit wala na siyang pang-itaas. Nag-effort pa man din akong magpa-fresh tapos matutulog lang ang ka-honeymoon ko? Sinabi pa niyang makaka-three rounds siya tonight, eh siya rin lang pala itong mauunang mana-knockout. Kaya naman dahan-dahan na lamang akong sumampa sa kama at siniguradong hindi siya magigising. Naiinis akong nahiga at pumik