Kabanata 58 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. AURORA Pigil na pigil ako sa aking paghinga habang nakatayo ako sa likod ng pintuan. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari ngayon sa labas at kung ano ang ginagawa ni Apollo. Nakapangingilabot ang mga sunod-sunod na pag bato sa amin. Lalong lalo na ang pinakahuling bato na pumasok sa loob kung saan ay mayroong nakalakip na papel doon. Panigurado ako na mayroong mensahe nakalagay doon kaya naman ito pinulot ni Apollo ngunit hindi ko na iyon nalaman dahil galit na galit siyang sumigaw upang pumasok na ako sa loob. Naiintindihan ko naman kung bakit niya iyon ginawa dahil sa sobrang concern niya sa akin dahil baka