Nang dumating ang doktor ni Samantha at tinurukan siya nito ng ilang gamot niya ay tuluyang naging stable ang kondisyon nito. Nang imulat ang mga mata ay nakita ang pasa sa gilid ng labi ng asawa. "A-Ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-alalang bulalas nito. Agad namang inawat ni Trevor ang asawa. "Shhh! It's okay, huwag ka nang bumangon," awat sa asawa. "Ano'ng nangyari sa 'yo?" giit na tanong ni Samantha. "Sinuntok ako ng Dr. Javier na 'yon," sagot sa asawa. "What? You mean nakipagsuntukan ka? Why?" palatak ni Samantha habang hawak ang mukha ng asawa. Hinawakan ni Trevor ang kamay ng asawang nakahawak sa kanyang mukha. "Huwag na lang natin pag-usapan, ayaw kong mas lalo kang ma-stress," wika sa asawa at hinimok na magpahinga na lamang ito. "Anyways, did you guys have a dinner? Sorry kun