Pabalik na sina Angel at Samantha sa silid ng anak ng una nang mapansin ni Angel ang nagmamadaling si Trevor papalabas ng ospital hila-hila ang isang babae. Hindi siya maaaring magkamali, si Trevor ang lalaking may hila sa babae dahil sa suot nito. Napalingon siya kay Samantha upang kunin ang reaksyon nito sa nakita ngunit mukhang hindi nito nakita ang asawa dahil abala itong napapagpag ng nabasang laylayan ng damit nang magbanyo sila. "Samantha, mauna ka muna roon susunod na lamang ako, may titingnan lang ako," paalam kay Samantha. "Okay, sige," anito na walang kamalay-malay na susundan niya ang asawa. Ewan ba niya kung bakit tila may kumudlit na kuryosidad sa isipan ng makita ang senaryo sa babae at kay Trevor. Bakit halos kaladkarin ito ng lalaki? Mabilis na tinungo ang patungo sa e