Ipinikit-idinilat ni Angel ang kanyang mga mata, talagang nahihilo na siya, mababa kasi ang alcohol tolerance niya kaya madali siyang nalasing. "Teka, doc, may inilagay ka ba sa inumin namin?" halos ngungong wika ni Angel. Natawa si Amdrew. "Mukhang lasing ka na nga, Angel, sige na ubusin mo na ito para makauwi na kayo ni Marie," bigay ni Andrew sa kanya ng baso. Paglabas ni Marie ay agad ring inalok ni Andrew ang babae. "Thank you, Doc Andrew sa panlilibre sa amin, pagkatapos nito ay uuwi na kami," bulalas ni Marie. "Mukhang hindi na kaya nitong si Angel," nakangiting wika ni Marie. "So, cheers for the last glass," saad nito sabay tunggo sa baso. Napakapit ito sa upuang malapit sa kinatatayuan dahil bigla siyang nahilo. "Wooo! Mukhang hindi ko na kaya talagang uminom ng marami," s